Pawis, pagod at takot ang namumutawi sa bawat galaw ng mga taong nagbubuwis buhay para sa kanilang mga mahal, kahit na maraming pwedeng mangyari at kahit na may posibilidad tamaan sila ng pandemyang kalat sa mundo patuloy pa rin sila sa pagkayod upang maiuwing kaunting kita sa kanilang mga mahal sa buhay. Sa gitna ng pandemyang nararanasan naten bukod sa mga medical workers may mga tao rin na sinusubukan suungin ang pandemyang ito kahit na delikado ang labas ngayon. Bawat tulo ng pawis nila ito ay tanda na handa silang lumaban sa init ng panahon at banta ng mga sakit na pwede nilang masagap sa kanilang laban sa labas ng kanilang balwarte. Halos limang buwan na rin na patuloy na hinahamon ng sakit na ito ang bawat pamilya sa buong mundo kaya mas dapat naten pahalagahan ang bawat trabahador na nagbubuwis ng buhay para sa kanilang mahal sa buhay. Mga trabahador sa gitna ng pandemya panibagong bayani na kailangan ipagbunyi dahil sila ang dahilan ng bawat ngiti ng kani-kanilang pamilya.

























