Istoryang Pandemya

Maraming gutom at di alam kung saan kukuha ng lakas ngayong araw na ito dahil sa kinahihirapan ng bawat isa. pero bakit patuloy pa rin na hindi Makita ng nasa itaas ng tatsulok ang problemang ito? Marami pa rin ang nagugutom at nangangailangan ng tulong mula sa mga nasa itaas pero mukhang walang nakakadinig nito.

Istorya ng ibat ibang tao ang natunghayan ng buong bansa, may mga taong pinipilit na sumabay na lamang sa panahon kahit sobrang delikado dahil kailangan niyang magbanat ng buto para sa pamilya niya. Ano pa nga bang kwento ang dapat naten Makita para lang masabing mali ang ginagawang paraan ng nasa itaas, di na natutukan ang totoong problema dahil sa mga bagay na tinutukan nila habang nasa tapat na nila ang problemang dapat sugpuin.

 Maraming mga bata ang patuloy pa rin na hindi maintindihan na ang sitwasyon naten ay hindi biro at patuloy na sinasagupa ang lansangan upang makapagsaya lamang. Ano nga ba ang problem sa istorya at kwento ng ating bansa? Bakit patuloy pa rin ang pagnanakaw kahit na sa kalamidad na tayo. Patuloy pa rin ba ang mga proyektong umuubos ng pondo ng bansa kahit na pwede naman itong magamit upang matulungan ang mga kabataan naten ngayong pandemya, napakalaking utang pero parang baliwala lang at hindi pa rin nila nakikita na bagsak na ang ating bansa.

Nakakaawang tignan pero mayroon naman tayong paraan, dapat tayong bumoses kahit na nasa kanya kanya tayong tahanan ipakita na mali na ito at dapat naman itama.

Leave a comment